• 6 AUGUST - *1907 - Gen. Macario Sakay, one of the Filipino military leaders who had continued fighting the imperialist United States invaders eight years into the Ph...
    11 years ago

......................................................................................

The Daily Tribune

(Without Fear or Favor)

Specials:

Bulatlat.com

World Wildlife Fund for Nature-Philippines

The Philippines Matrix Project

PATULOY…

Saturday, December 24, 2011

PATULOY…
Ni Sonny Mallari
Bulatlat.com
I
Kinakalawang na ang antigong makinilya sa ilalim ng teheras…
Nababalot na rin ng lumot ang gasgas na pluma sa ibabaw ng maalikabok na lamesa…
Nanginginig na rin ang kamay at daliri sa bawat pagtipa ng letra…
Pero patuloy pa ring nakatangan sa bote ng tinta…
Na ngayon ay binubukalan ng malapot na dugo mula sa mga kakosang itinumba.

II
Walang patid ang pagtagas ng mapulang dugo sa keyboard na ngayon ay patuloy na binabalot ng lagim…
Habang ang mga bayarang demonyo at kanilang mga patron ay patuloy rin sa kanilang walang awang pagkitil…
Pero hindi nila kayang supilin at itumba ang buong hanay…
May mga mabubuwal sa dilim ng gabi at tirik na araw…
May mga mawawala at maglalahong walang hanggan…
May mga mabubusalan at kakadenahan…
Pero patuloy na may aawit at tutula ng paglaya gapusin man sila ng tinik at tanikala..... MORE

SourceRT.com

URL: http://bulatlat.com/main/2011/12/02/patuloy%E2%80%A6/

0 comments

Blog Archive