Brocka at Bernal vs. indie filmmakers
Ni ROLANDO B. TOLENTINO
Bulatlat.com
Isang taon yata nang huli kaming magkita ni Mau Tumbocon, kritiko at film programmer. At dalawang taon na rin kaming tumutungo sa aming paboritong dessert at coffee na lugar sa Castro Street, at natagpuan naming muli na naghuhuntahan na naman kami tungkol sa pelikula. Pangalawang beses na ulit.
May nostalgia kami sa mga pelikula nina Lino Brocka at Ishmael Bernal, mga higanteng figura sa aming panahon, at lampas pa rito. Natanong ni Mau kung sino sa indie filmmakers ang sumusunod sa yapak ng dalawang direktor? At wala akong maisip na madaling sagot.
Nabanggit ko si Joel Lamangan at Brillante Mendoza. Si Joel ay napapanahon ang politikal na tema ng mga pelikula — Flor Contemplacion, abduction at politikal na pagpaslang, torture at rebolusyon. Pero mas naunang henerasyon ng filmmakers si Joel. Si Brillante naman ay kilala sa artistikong pelikula, na slice-of-life, na wala pang mass following sa loob ng bansa.
Sina Brocka at Bernal ay mga politikal na animal, sa positibong pagtingin. Kasama sila sa laban sa sensura, freedom of expression ng artist, pagtaas ng presyo ng gasolina, anti-diktadurya, at maging anti-Cory Aquino sa panahong hindi ito popular. Organisado sila sa mga politikal na afiliasyon, at ginagamit ang kanilang politikal na posisyon para higit na magpopularisa ng mga isyu. Gayundin, ginagamit din nila ang kanilang sining para manghasik ng kontraryong kaisipan at karanasan pang-sining.
Ang naturing naming kaibahan nina Brocka at Bernal sa isang banda at ang kasalukuyang indie filmmakers sa kabilang banda ay ang mas madilim na pangitain hinggil sa pelikula at lipunan. Kina Brocka at Bernal ay nakaangkop sa naratibong disenyo ang pagpasok ng politika, at ang rekurso sa politikal na antagonismo ng mga bida rito..... MORE
Source: Bulatlat.com
URL: http://bulatlat.com/main/2010/11/04/brocka-at-bernal-vs-indie-filmmakers/
0 comments
Post a Comment