Bayo ads at mixed-race politics
NI  ROLAND TOLENTINO
Bulatlat.com
Hindi naman sana overkill ito dahil gumawa na ng publikong paumanhin 
ang Bayo para sa kampanyang “What’s your mix?” Ayon sa pahayag sa 
kanilang website, “We would like to express our regrets to those who 
have been offended or felt discriminated against.”
Sa naudlot na kampanya, mga modelong may halong lahi ang 
itinampok—halimbawa, “30% Indian, 70% Filipino,” at “50% Australian, 50%
 Filipino.” Kailangang nakaangkla ang anumang dayuhang lahi sa 
reiterasyon ng pagka-Filipino dahil ang Bayo naman ay Filipino brand.  
Pero second billing parati ang pagka-Filipino, bakit naman tatangkilikin
 ito ng karamihang Filipinong mamimili?
Ang 100% American o Japanese na pantukoy sa henerikong bagay 
(all-American beef, o 100% Japanese technology) ay integral sa 
paglalatag ng superioridad ng partikular na lahi sa mga produkto, 
serbisyo at larangan.  Hindi hiwalay sa “all-American beef” ang 
pagkatalaga ng superioridad ng pangangalaga sa hayop, pagpatay dito, 
manufaktura, preserbasyon, marketing, at advertising sa pagiging 
Amerikano ng karne.
At kung magpakaganito, ang superioridad ng American-ness sa lahat ng 
aspektong kinalalahukan ng produksyon ng baka, agrikultura, teknolohiya,
 kulturang popular, hegemoniya, at globalisasyon.  Sa ad ng Bayo, ang 
kabaligtaran ang isinasaad ng mixed-race politics, ang inferiodidad ng 
pagiging Filipino—na kailangan itong masaniban ng dayuhang lahi para 
maging isang komoditi na marketable.
Sa kaso ng Bayo, ang pagbabawas sa 100% Filipino sa iba’t iba nitong variasyon (basta may minimum at secondary billing ang pagka-Filipino) para mag-“excuse me lang po” sa kanilang pambansa’t global na posisyon sa fashion. Wala itong malaking endorsement budget para sa mga Hollywood star, tulad ng Bench o Penshoppe. Umaasa ang Bayo sa inaakalang makapangyarihang pagsanib ng dayuhan sa nasyonal/lokal para umastang may pag-angat ito.
Sa katunayan, ang dayuhan (o foreign) ang nagiging substansasyon ng lokal (o Filipino). Ang resulta ay panghihiram ng identidad sa dayuhan, kundi man wanna-be na attitude na gawin ang sariling identidad bilang aksesorya ng dayuhan. Ang prinipribilehiyado ay ang mga bagong mestizo’t mestiza, lampas sa dating mix mula sa Tsino, Kastila at Amerikano.
Ang hindi isinasaad ng mixed-race politics ng Bayo ay ang kadalasang literal na karahasan kung bakit nagsanib ang mga lahi: mga Amerasian (na mas mababa ang turing sa may halong African American kaysa sa “American” o purong puti) noong nasa kamay ng mga Amerikano ang Clark at Subic Bases at ginagawang R&R (rest and recreation) ng mga sundalo nito ang red-light district sa labas ng mga base; ang mga “Japino” o Hapon Filipino na karamihan ay hindi kinikilala ng kanilang amang Hapon mula sa inang nagtrabaho sa Japan; at sa mas kontemporaryo, ang dumarami na ring mga anak ng Koreano’t Filipina..... MORE
Source: Bulatlat.com
URL: http://bulatlat.com/main/2012/06/11/bayo-ads-at-mixed-race-politics/

 
 
 
 
 
 
 

 

0 comments
Post a Comment